1 Agosto 2017 - 20:22
Makikipagdigma ang Saudi Arabia para sa Banal na mga Lugar

Tinawag ng foreign minister ng Saudi Arabia ang aniya’y demand ng Qatar para sa internationalization ng Muslim hajj pilgrimage na isang deklarasyon ng digmaan laban sa kaharian, iniulat ng Al Arabiya television nitong Linggo, ngunit itinanggi ng Qatar na may ganito silang panawagan.

Ayon sa Balitang Ahensiya ng Ahlul-bayt (ABNA24) - “Ang mga hinihiling ng Qatar na internyalisahin ang mga banal na lugar ay agresibo at isang deklarasyon ng digmaan laban sa kaharian, ',” sinabi ni Adel al-Jubeir ayon sa website ng Al Arabiya.

“Taglay namin ang karapatang tumugon sa sinumang nagtatrabaho sa internyalisahin ang mga banal na lugar,” aniya.
Nilinaw ni Qatari Foreign Minister Sheikh Mohammed bin Abdulrahman al-Thani na walang opisyal mula sa kanyang bansa ang gumawa ng ganitong panawagan.

“Kami ay pagod sa pagtugon sa maling impormasyon at mga kuwento na imbento mula sa wala,” ani Sheikh Mohammed sa Al Jazeera TV.